Ang tipikal na bahay kubo ay meron lang isang malaking kwarto para sa mga naninirahan dito. Meron din itong silong na lahat ng gawaing bahay ay doon ginagawa. Itong silong na ito ay kadalasang nagsisilbing kulungan ng hayop, bodega, workspace o kaya granariya. Ang mga dingding ay gawa sa pawid at kugon o kaya ay sawali. Meron din itong malalaking bintana sa lahat ng dingding para sa bentilasyon. Ang mga bintana naman ay sinusuportahan ng tukod para pang-tabon na din sa sinag ng araw kapag umaga. Ang isa pang tipikal na kubo ay merong hagdan na maaaring tanggalin sa gabi o habang wala ang may-ari. Ang iba naman ay merong batalan kung saan ginagawa ang gawaing bahay at kung saan nakalagay ang banga ng tubig.
Sa ngayon meron pa ring mangilan-ngilang bahay kubo sa kanayunan at ito ay unti-unti ng napapalitan ng bahay na bato. Karaniwan na lamang itong nakikita sa mga resort at sa mangilan-ngilang bakuran. Ito ang pangarap ko.
No comments:
Post a Comment